Ito ang katawagan sa mga katutubong lider ng relihiyon. Nagsisilbi sila bilang mga manggagamot, shaman, atbp. Karaniwan, babae ang mga babaylan. Malaki ang responsibilidad ng isang babaylan sa kanyang mga kabaranggay.
Bago pa man dumating ang mga Kastila, tinitingala at iginagalang ang mga Babaylan. Sinasabing nang dumating ang mga misyonero sa ating bansa, naging banta sa itinatatag na Katolisismo ang mga babaylan kung kaya't ipinagbawal, itinaboy at unti-unting nangaunti ang mga babaylan.
Ang ilang mananaliksik ay nagsasabing simbolo ng kapangyarihan at mataas na estado sa lipunan ng mga kababaihan ang mga babaylan. Ipinakikita lamang nito na sa kulturang Pilipino, may respeto at kinikilala ang kagalingan at kakayahang makapanggamot at magpayo ng mga babaylan. Isa itong patunay na isang egalitarian na lipunan ang kinabibilangan ng mga katutubong Pilipino noon.
Sa kasalukuyan, kinikilala at ipinagdiriwang angBabaylan Festival sa Negros tuwing Pebrero. Nilalayon nitong gunitain at parangalan ang isa sa mga simbolo ng kulturang Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa. Binibida rito ang katutubong musika, awitin, mga sayaw, ritwal at iba pang masining na ekspresyon ng mga kwentong may kinalaman sa mga Babaylan.
Ito ang katawagan sa mga katutubong lider ng relihiyon. Nagsisilbi sila bilang mga manggagamot, shaman, atbp. Karaniwan, babae ang mga babaylan. Malaki ang responsibilidad ng isang babaylan sa kanyang mga kabaranggay.
Bago pa man dumating ang mga Kastila, tinitingala at iginagalang ang mga Babaylan. Sinasabing nang dumating ang mga misyonero sa ating bansa, naging banta sa itinatatag na Katolisismo ang mga babaylan kung kaya't ipinagbawal, itinaboy at unti-unting nangaunti ang mga babaylan.
Ang ilang mananaliksik ay nagsasabing simbolo ng kapangyarihan at mataas na estado sa lipunan ng mga kababaihan ang mga babaylan. Ipinakikita lamang nito na sa kulturang Pilipino, may respeto at kinikilala ang kagalingan at kakayahang makapanggamot at magpayo ng mga babaylan. Isa itong patunay na isang egalitarian na lipunan ang kinabibilangan ng mga katutubong Pilipino noon.
Sa kasalukuyan, kinikilala at ipinagdiriwang ang Babaylan Festival sa Negros tuwing Pebrero. Nilalayon nitong gunitain at parangalan ang isa sa mga simbolo ng kulturang Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop sa ating bansa. Binibida rito ang katutubong musika, awitin, mga sayaw, ritwal at iba pang masining na ekspresyon ng mga kwentong may kinalaman sa mga Babaylan.
Pinagkunan:
___. Discover negros island festivals :International Friendship Club of Negros Island. Retrieved from: http://www.ifconi.org/negros-island-festivals/ on July 5,2010.